Silakbo ng Kawalan

Wala… Wala… Walang wala…

Wala kang ibang magawa kundi tumunganga. Marami kang gustong tapusin ngunit wala kang lakas para magsimula. Sa tuwing susubukan mong humakbang pasulong, mapapatigil ka nalang at mapapabuntong hininga.

HIndi ka masya. TAMA! Hindi nga talaga. Para bang wala kang gana makipag-usap, makihalubilo, maging sa pagligo. Ni hindi mo mawari kung anong pwersa na humihila sayo para hindi maging produktibo. Ayaw mo ng ilaw, oh kahit ano mang nakasisilaw. Maghapong nakalugmok sa apat na sulok ng iyong silid. Walang buhay, walang silbi at walang magawang kapakipakinabang. WALA! Walang wala..

Nakakinis na sa tinagal tagal mong ganyan di mo pa rin mawari kung ano ang kadahilanan ng lahat ng drama at sakit na bumabalot sa puso mo. Maiiyak ka nalang dahil pinagdudusahan mo ang kalungkutang di mo naman alam ang pinagmulan. Umaabot sa puntong gusto mo nalang itulak palayo lahat ng taong sumusubok lapitan ka. Alam mo sa sarili mong wala silang maitutulong dahil maging ikaw ay walang ideya kung ano nangyayari sa loob looban ng magulo mong utak.

Pero sumubok ka. Sumubok ka namang magpakanormal. Iniisa isa mo ang mga posibleng kadahilanan. Bumabalik balik ka sa mga posibleng pinag-ugatan ng yaring pighati. Ngunit wala kang kasagutan natagpuan. Nakakabaliw! Di mo mahanap ang sarili mong tila nawala na sa tinagal tagal ng panahon.

Gusto ko nalang mabalot sa mga bisig ng kung sino man. Gusto ko nalang maiyak sa dibdib ng pusong may malasakit. Gusto kong maramdamang buhay ang dugo ko na kaya kong makawala sa piitang kinalalagyan.

Tulong?

Tulong?

Hindi.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s