Labi

sa tuwing mag-aaway kayo
sana maisip mo ako
maalala aking pagdududa
sa maliliit na bagay na ginagawa mo
 
kapag sinigawan ka nya
boses ko ba’y matunog pa?
nanginginig sa galit sa pagdidiin
ng mga kasalanang tinatanggi mo pa
 
sa tuwing iiyak sya
alalahanin mo’ng aking mata
maga sa rumaragasang luha
tuwing nanaisin kong humiwalay na
 
kapag yumakap sya
dama mo pa ba?
mga kamay kong nakabalot sayo
sa tuwing sasabihin mong “Patawad na.”
 
sa bawat halik nyo sa isat isa
malasahan mo pa rin sana
mga labi kong walang ibang sinambit noon
kung hindi “Mahal pa rin kita.”
 
at ngayong nakangiti ka na
masayang masaya sa piling nya
iwan mo ang lahat ng aking bakas
pagkat tanggap ko, ito na ang wakas.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s